Im a fan of this actress at sobrang adik sila ng mga friends nya sa -Twilight.So na-curious nako kung maganda ba talaga tong twilight book na ito. I foun out na hit na pala to sa karamihan sa kakilala ko, classmates, pinsan so… ayun nanghiram ako sa pinsan ko ng book, yung book 1. Twilight din ata ang title and it was good di ko lang talaga natapos kasi busy ako sa studies nung mga panahon yun
pero atleast kilala ko na sina -Bella Swan at Edward Cullen.
Bella & Edward
Bago lumabas ang movie nag post sa blog nya si favorite actress about sa mga lead star na gaganap
So bale wapakels pa ko noon..hahahaha..
Halos lahat ng friends ko nanood sa sine… ako pinadownload ko lang at pinanood ko lang sa cellphone. Di ko parin masyadong naapreciate hanggang sa…
Pinanood ko sa sine yung New Moon. sabe kasi sa mga twit ng artista… specifically si Bubbles Paraiso, Hot daw si Jacob. Teka Sino ba kako yung Jacob? alam ko kasi walang Jacob sa Book 1 (meron pala, yung sa wheelchair scene, di ko lang napansin) .
So pinanood ko nga, Ayun tama din ang sinabi nina Yayin! Ang highlight nga ng New Moon is nung nag top less si Jacob. Matatawa ka lang sa reaksyon ng mga tao sa sinehan! Ang lilibog! Ahahaha…
Jacob
Grrr… nga daw, parang pusa kung maidescribe ni Yayin! (lagot ka sa boyfriend mo!.) hahaha
Unti unti kong narerealize na naiintindihan ko na talaga ang Twilight! English movie pa naman! ahahaha...
And yes aabangan ko kako ang mga sequel pa nito. Mas madali kasing intindihin kesa sa HP na medyo pambata ang theme at oa sa Accent hahaha.
saka unti unti ko na rin nagugustuhan ang ibang characters gaya ng mga Cullen's (Carlisle, Esme, Alice, Emmett, Rosalie, Jasper), Volturi's (favorite ko si Jane!) at mga Werewolves (na di marunong mag T-shirt).
The Cullen's
Jane (my favorite)
Nagboard exam ako nung July sa Baguio… pinanood ko yung Eclipse with my friends (Mj at Doriza) sa mismong last day ng exam sa SM Baguio. First time kong manood sa 2D. shet! Mas malinaw nga kaya lang isang full show lang pwede mong panoorin. Sina MJ at Doriza di nila nasimulan kasi bumili sila ng pagkain..ahahahaha…Kaya di nila nakitang nag-transform si Riley into vampire.
After non nagbasa na ko ng Breaking Dawn nanghiram ako ng book kay Mitchie (pinsan ko) habang nagiintay ako ng result nung July!
and yes ulit! Maganda nga sya talaga… na Surprise ako na ang love interest pala ni Jacob is yung anak ni Bella na si Renesmee. bale manugang nya si Bella Oh! di ba naKARMA! lang si Bella, malandi kasi hahahaha..
Usong uso pa nun ang taylorsquared (TAYLOR Swift + TAYLOR Lautner) kasi may movie sila noon, way way... Back to December!!! ahahaha... -Valentine's Day yun title.
Taylor Swift & Taylor Lautner
kaya most of their fans are betting na si TAYLOR Swift ang mapili as Renesmee infact may mga false news pa nga sa net na sya na daw talaga. (sadly hindi totoo).
Anyway ang update may napili na daw gumanap sa role na Renesmee –si Mackenzie Foy!
Renesmee
DA WHO?! Hahaha.. pero ok lang cute ang bagets. excited na ko sa showing ng breaking dawn!
No comments:
Post a Comment