Mar 19th, 2011 11:31pm
Part 1
INTRODUCTION
Less than a month o one month pa (depende sa magiging takbo ng sitwasyon), I have to face the reality, Kailangan ko nang mag-duty ulit! Eto na magiging buhay ko or should I say eto na ang bubuhay sakin, sa amin ng pamilya ko at magiging pamilya ko… so dapat kong ma-asses ang sarili ko kung kaya ko ba talaga?! pero Naniniwala naman akong Kayang-kaya ko! *Positive* mode.
So I decided to do this entry na dedicated sa Duty experience ko bilang hamak na estudyante pa lang
To be honest ayoko ang nag-duduty, madalas toxic kasi! pero kailangan kong baguhin ang pag-iisip ko para gustuhin yun. I like duty; no I really-really love duty! *Excited* mode.
Noong estudyante pa ko, mas nae-enjoy ko ang mga lecture sa school kesa duty, ayoko kasi yung nahihirapan ako physically, kapag duty kasi parehas ka pang mahihirapanà nade-drain na utak mo, laspag pa Katawan mo!
Especially, Kung ang pinaka-ayaw ko pang hospital ang pag-dudutyhan ko, (Naman!)… sabi kasi nila (ayan para di ako mademanda, if ever haha.) Demonyo talaga mga tao don!
Well… MASUNGIT naman kasi Majority ng staff doon sa pinaka-HATE kong Hospital. (hindi naman kasi lahat, pero MAJORITY nga!)
[ mula sa pinakamababang utusan (na by the way tinalak-talakan ako ng mayabang na Nursing Aid, tang-ina nya! Ahahaha…) hanggang sa nuknukan ng pinaka-taas-taasan Dyos at Dyosa ng *secret* (walang clue!) na pinakaHate kong Hospital - bumubuga lahat ng Apoy!] *Bitter* mode.
Anyway tapos na ang Nightmare, hindi naman na ko papasok don para makipag-sanib pwersa sa kanila, may iba kong target!
Pero in all honest… Kung saan pa ako pinaka nahirapan na mag-duty, doon ako pinaka natuto! (Kailangan ko din naman bigyan ng credit ang PJ_) Kahit na madalas talaga akong magka-Post trauma disorder after ng duty ko sa kanila. hahaha *Nagpapasalamat* mode.
I HATE YOU DUTY BECAUSE…
#1 Nakakababa ka ng Self-Esteem kung minsan…
Pwede kang MaPAHIYA, MURAhin sa harap ng maraming tao, me- gumagawa daw talaga non, obviously meron talagang taong palamura (tang-ina!) hahaha.… Well… wala namang nakapag-mura saken ng duty days ko! FYI lang.
Normal lang ba sa Professional yung nagmumura?!
Alam ko kasi… kahit di nakapag-aral ang isang tao masama ang mag-mura,para sa akin okay lang kung expression mo lang ang makapag-mura paminsan-minsan, pero para gamitin mo yun sa ibang tao, intent na ma-degrade mo sila. Tsk tsk, you better think again before kang manlibak sa mga nakakababa sa iyo.
Sabi nga sa quotes na sinend sakin ng friend kong - si MJ (cookies namin ni Doriza). :
“Always keep your words soft and sweet, So incase you have to take it back, You can swallow it well”.
Advice lang huh! Act base on your achievements, Sana po despite na mayaman, matalino, o maganda pa ang isang tao… naka-apak pa rin ang paa nila sa lupa. –Huwag MAYABANG! *Galit-sa-Mayabang* mode.
Kaya bilib ako sa mga Staff nurse na malulumanay mag-salita at tumatawag ng Maam at Sir sa mga estudyante o pasyente ano man ang estado nito sa buhay. Marunong silang rumespeto kaya dapat din silang igalang. (wish ko na sana makapag-Abroad sila, at sa masusungit- NEVERMIND!) hahaha.
#2 Nagiging-Poker Face kami sayo…
Ang isa pa sa pinaka ayoko talaga ay kailangan mo ding maging plastic sa mga staff na yan, well kahit naman mga C.I. namin e… minsaninis din sa mga staff, pero kailangan pa rin naming MAKISAMA, kailangan mong paniwalain sila pati na ang sarili mo na despite MAHIRAP SILANG PAKISAMAHAN-ang mga lecheng masusungit na staff na yan, ipapakita mong gusto-gusto mo sila, (kapag naka-harap ka sa kanila).
“THANK YOU po Sir, THANK YOU po Maam” ambait-bait nyo po! (Ay! Ano ba yun? wala ng ganon… sinungaling ka na non, mag-ngiting Aso ka na lang sa kanila!)
Andyan pa yung magbibigay ka ng food kapag last duty, tradisyon na daw, leche! Sino bang nagpasimula ng punyetang tradisyon na yan?!
Mabigat na nga sa loob mo na magpapalamon kayo sa mga pinaka-kinakainisan mong nilalang sa duty, mabigat pa sa bulsa. Hello? estudyante pa lang po kami! (As if pwede kang magreklamo) well… that’s life! Sabi nga nila Karma is a Bitch! hahaha… J Buti na lang tapos na! pero sana talaga ITIGIL NA ang pagpapaLAMON sa Duty, hindi lang estudyante ang nahihirapan - pati mga magulang! *Nagma-MAGALING* mode.
THE SAGA
After ng C.H.N. …
Ang first duty place kong Hospital ay MVG, si Maam Pearl ang C.I. namin and sobrang smooth lang ng duty, di masyadong late kami pinauwi… Kwentuhan nga lang e. tatak na ata ni Maam Pearl yun –ANG SMOOTH NA DUTY!, akala nyo -ang Kwentuhan lang, huh! ASA! Hahaha.
2nd destination namin -Gapan almost month na din ata kami doon, dito ko natuto na mag-charting gamit ang subok nang -“copy-ang-naunang-entry” method. –its classic!
And the rest was History…
Sana lang, enough na yung lahat ng experience ko na nahirapan ako, napahiya ako, naloka sila sakin haha! Enough na sana yung Bad Duty days,
Sana masimulan ko ng maayos ang dapat kong simulan! …
Nang walang C.I., na hindi mo kailangan mag-tanga-tangahan sa mga pagkaka-mali mo, AYOKO NANG MA-TOXIC!!!
dahil this time – I will be the Captain of my own ship.
BILANG BAGONG NURSE
Sana buo at maayos ko itong masimulan, mapag-dadaaan at malampasan ng matagumpay sa dadating pang panahon.
May part 2 pa to, tungkol naman sa mga ungas kong groupmates.
No comments:
Post a Comment