APRIL 27-29, 2011
I'M SO DISAPPOINTED TO WHAT IVE DONE...
credits to my friend: Majho. and hi to my new friend ate Joana. (partner!)
APRIL 27-29, 2011
I'M SO DISAPPOINTED TO WHAT IVE DONE...
credits to my friend: Majho. and hi to my new friend ate Joana. (partner!)
Mar 26th, 2011 8:33am
MJ, ayan huh.. request mo sakin, pinost ko na dito. ayoko kasi sa FB. si Yhana na bahala dyan sa FB :)
*PS Yhana at Doriza yung mga twitter ID nyo bigay nyo na sakin.
Oathtaking - ang isa sa pinaka-memorable na event sa buhay naming mga nurse, kaya blinog ko ang mga nangyari ngayong araw - March 25, 2010, hehe. Trip lang!
WAKE-UP
Super aga kong nagising, or should I say ginising! 2 am palang ata nun pinabangon na ko nina mama. Kasi may emergency daw, as in Emergency… sinugod ulit sa ospital si Lola, dinala sya sa Emergency pero ibang issue na yun at wala akong planong magsulat tungkol don. Basta ang update nilipat name sya sa Drs. At ngayon medyo ok na sya.
Pagbalik ko sa bahay, (few minutes na lang pala bago mag alas-otso… ) inubos ko yung Donut Dip na binili sa bukana at hindi na ko nag-almusal. Tinamad na kasi kong maghanap ng pagkain…
Nag-internet na lang ako ng mga ilang oras, search lang ng kung ano-ano, mga walang kwentang bagay.
Watching Videos ng (DAIR) Dan-Blair team up ng gossip girl, FB naka-chat ko si Majho, nag-tumblr din ako, Pinanood ko din yung pinakapangit na video Daw ngayon sa Youtube yung kay Rebecca Black (FRIDAY music video) at infernes sa kanya ,wala talaga palang kwenta ang video ng starlet nay un, nasayang na oras ko, Nabwisit pa ko. Hehe!
Yung trailer din ng Mula sa Puso pinanood ko. Okey naman, pero wala akong planong subaybayan Dahil Masaya na ko sa mga palabas ng ETC! : )
at ang pinaka-Last kong pinanood ay ang part 7 ng Crazy little thing called Love. Isa sa mga pinaka-Favorite movie ko ito.Shet ! up to now me-epekto pa rin sakin sina Nam at P’ Shone. Di na makapagmove on.
PAG-GAYAK
After non, nag-alarm na yung sinet ko ng 11 am. Nagtx na rin ako kina Galilee
Nagpabili na ko ng itlog, head & shoulder at creamsilk sa tindahan.
Nag-Ready! At naligo na ko.
Pinaplantsa ko na rin kina mama yung Nursing uniform na linaban ko kagabi.
PAG-ALIS
By 12:10 naka alis na ko ng bahay, pero 12:30 ang usapan naming ni Lele kaya patay ako, ang tagal ko pa naman pumara ng bus at first time huh. Di ko sinabing estudyante ko. Wala lang, for a change.
Pina-una ko na si Lele sa loob ng Doctors at sumunod na lang ako, mag-isa ko lang pala. si lele naman kasama nanay nya.
PAG-DATING
Nung nakita ko si lele kasama na nya si Rochelle, na solo flight din pala that time. Sabi ko nga e.
JP: Oi sino kasama mo?
Rochelle: Wala, me myself & i
Oh diba?
After nun tinext ko na si Aica, after kong masend nakita ko sya sa likuran at kasama ni leo na nagpipicture.
Di pala nya kami napasin.
Lumapit sya samin, ganon din si Leo ayun, konting kwentuhan habang inaantay naming sina Cha at Tina. saka picture-picture
Maya-maya.. may ngumiti sakin di ko agad napansin si Sir RC pala kasama ng ibang merge babies na lalaki. Di ko agad sya napansin kasi medyo tumaba sya ng konti..
Lumapit din samin si Cheenee kasama ng mama nya. Nakita ko din yung classmate ko nung HS at di sya namansin huh! Wafakels lang sakin?! haha!
Nakita ko din si Sir Allan at kinausap lang nya kami ng saglit. Nag-paregister na sya agad. Kami hindi pa nga e. pero mas late sya saming dumating…
Pagdating nila Cha naggsign na kagad kami…me kuma-usap bigla sakin si Romeo yung blinock ni kafatid! Hehe. Tinanong nya ko kung saan yung pila, since ka-merge baby naman sya,sabi ko sige sumingit ka na sa harapan ko. Since sina Cha lang naman yung kasunod ko . sabi nya Sa likod ko na lang daw sya … nahihiya ata. Pero sumingit pa rin sya! haha.
PAG-PILA AT PAG-PASOK
Pumila na rin kami ng mahabang-mahaba….para sa seats namin at Parang OA sa dami ng tao huh! Feeling ko nga di kami mag-kakasya…sa gym ng Doctors e.
(Sa pila ko nakita sina Digz at Athina kadadating lang nila sabi ko magparegister na muna sila.)
Nasunod pa rin yung by seat # sa ticket at pang # 76 ako sa harapan. Actually pinaka-gilid sa pangatlong linya. Kaya medyo pa-Star ako. Kaya lang di ko kilala yung katabi ko. At dedma lang sya sakin kahit sinubukan ko syang kausabin. That Bitch! Gumawa na ko ng mo.
“Hello, Wesleyan ka?!” tumango lang sya sakin.
Ah ok!baka nahihiya lang.
“ Anong Block ka?”
“two”
What the..? hindi man lang tinanong kung anong block ako. Halatang ayaw mamansin… so dinedma ko na lang ang Stupidida (mas maliit na version ng stupida) nay un.
PAG-SISIMULA HANGGANG MATAPOS ANG PROGRAMME
Nagsimula na ang event. Ng mga 1pm na rin ata non.
Ang Host ay si -Sir Willy Ramos. (Dati ko syang teacher at palagi syang host sa mga program sa school).minsan na rin nya kong napagalitan dahil palagi daw akong wala sa sarili. Hehe, kapag nagtatawag kasi sya sa attendance ay madalas daw akong walang naririnig. Eh sa pagkaka-alam ko once lang akong di naka-respond sa roll call nya. Anyways naka-move on naman na ko dun.hehe..
After non. Pinag-bayang magiliw nila kami…
At magpapatugtog pa sana sila ng PRC Hymn, kaya lang napurnada ang soud effect nila kaya naman minove na lang nila sa bandang dulo ng programme (eh kasi naman, wala na atang nakaka-alam ng tono ng kantang yung kung di ang mga myembro ng KKK-kagalang-galang, kapitapitagan, ay dalawang K lang pala, hehe …)
Nagsalita na rin ang mga speakers.
Like “Na we are now History! Kami daw ang first batch na nag-exam at nag-oathaking sa Nueva Ecija..” BLAH, BLAH, BLAH!
Pero ang Pinaka tumatak talaga sakin ay ang mga comment nilang… gustong-gusto ko.
Kami DAW ang mga SURVIVOR!
Parang gusto ko tuloy sumigaw ng –“Survivor Ako!”
Hardest exam daw ito na naibigay sa mga examinee.
History din daw ito, dahil daw lowest passing rate, ever! Woohoo..haha.
History na lang lahat! E di sila na! haha.
Cream of the crop nga daw kami, (ano bay un!) haha. syempre utong-uto naman kami sa mga pinagsasabi nila, kumbaga pumapalakpak ang tenga naming sa tuwa. Ewan ko lang sa katabi kong Stupidida… wala ginawa kundi magtext sa cellphone nyang kulay green na may chain na tsinelas.
gusto ko tuloy awayin e at sigawan… “you freaking Jejemon!” pero nagtimpi lang ako. Hehe..
nag-Spluk din ang speaker slash BON member na si Maam Faire –(ang isa sa mga nagpahirap sa amin ng husto) at tumatak sakin ang triange of care ng Nursing na sinalaysay nya.
Ang SAFETY, COMFORT, at HEAL. Ayoko naman ng iexplain at baka gagamitin pa yung ni Maam Faire sa mga susunod na event na pupuntahan nya.haha! Pero wag ka, nagstanding ovation kami sa kanya huh. Ayoko nga sanang tumayo e, pero nasa gilid ako. Baka tiradurin ako ni Maam Faire mula sa stage kapag dinedma ko sya. Kaya sige na nga… pinagbigyan ko na ng may kasamang palakpak, napansin ko din ang mga tao sa stage ang isa sa kanila, - si Maam Nora Cruz.
After ni BON mag-speech
Nagkaroon ng song number sina Sir Mendez at Sir Mandia ng Wup.
Puro mga winning piece ng American idol ang kinanta nila, nakakatinding ng balahibo sa ganda ng boses nila. Ngayon ko lang narealize na kayang bumirit ng mga lalaki ng –LIVE huh! Super palakpak kami syempre ng natapos na ang song number nila, may sumisigaw ng More.. more.. Sa likod ko naman may sumisigaw ng KISS, KISS..
What The? Haha.
Inside story
-si Maam Nora Cruz, dating chief nurse sya ng MV Gallego… naalala ko tuloy nung nagpapirma kami nina ate Ana sa kanya ng Case. Super bait nya samin. Nagbigay pa sya ng advise at walang arte sa pagpirma ng case, kahit na may konting mali sa pinapirmahan, pinirmahan pa rin nya. Sobrang ok ang consideration nya. Para nga syang Angel that time at talagang nag-Good Luck pa sya samin. Actually kung gusto mong mandaya ng case noon, sa kanya ka lang magpapirma at makakalusot ka dahil sa sobrang bait nya, di na nya chinecheck isa-isa, kasi naman di ba,dapat na check na rin yun ng mga C.I. pero actually yung ibang Ci di nagchecheck kaya makakalusot ka talaga. Hehe.
Pero promoted na si MAAM Nora, sya na ngayon ang Governor, ng PNA Region III. Good people deserves blessing. Ang bad News lang uber sungit ng pumalit sa kanyang chief nurse sa MVG.
Triny ko kasing magtanong ng requirements ng volunteer sa Gallego kasi syempre di ba bago ka mag-apply,kailangan magresearch ka muna. So nagtanong ako
“Hello po maam, good morning…”
“Ai wala, wala di muna kami tatanggap ng volunteer, Tse!”. GRRR.. Haha.
“Ai! magtatanong lang po sana ako ng requirements”
“Ah basta ,pa-Xerox mo na lang lahat ng requirements”
(“ANO PO KASI, ANG MGA putang-inang REQUIREMENTS nyo.” (Sa isip ko) while Smiling.)
“Sige po ako na lang mag-eenumerate..”
“Ah maam TOR po bay un, saka mga,,”
“Ah basta lahat lahat.. teka me lisensya ka na ba?!!!” tanong sakin ng Matandang chief Nurse hehe.
(“WALA BAKiT? Sinabi ko na bang mag-aapply na ko ngayon?! Huh! Kukumpletuhin ko palang PO ang tang-inang requirements nyo, at tsaka na ko mag-aaply sa inyo, pangit ka! (sa isip ko lang ulit)) haha!
“Wala pa po maam.mag-aayos pa lang po kasi ko ng requirements,kaya inaalam ko na habang nag-iintay pa lang ako ng license, para di po ako magahol sa oras”
“Eh bumalik ka na lang kapag meron kanang…”
“Thank you po Maam” : ) (Boo you whore!).
Malamang pagbalik ko non…
“Wala nang slots, katatanggap lang namin”.
“SLUT KA!” haha.
Well Bad luck na lang po sa inyo.haha
Ang ending nagtanong ako sa mabait na Volunteer, si Ate Angelique at sya ang nagbigay ng requirements sakin, tinanong pa nya ko kung
“sure ka naba?!” tumatawa sya.
“Naman!” Haha.
Sobrang bait nya sakin,at sinulat pa nya talaga ang mga details
BACK TO EVENT
Nagsalita na rin si Maam Nora nag-Congrats sya syempre at doon nya ni-reveal saming lahat na may cancer sya at Stage something na.
pero ang tapang pala ni Maam Nora, despite sa sad news na binalita nya sa harap ng madaming tao, hindi sya umiyak! Ang naluha pa nga ang mga speaker sa likod nya,
*pagdasal po natin sya.mag-uudergo daw sya sa Chemotherapy sa Monday dapat ata mas maaga pa don pero ginusto nyuang umattend sa oathtaking namin, at sana maging ok po sya. Ang bait bait nya kasi…
After ng event pwede na daw kaming mag-claim ng food, e dalawa binigay saking stab kaya dalawa din yung food ko hehe. at after non uwian na daw.
YEHEY!
Ang closing remarks namin ay ang PNA REGION III, adviser na si Maam Nilda Pascual.
Ang huling salita na sinabi nya samin sa pagkakatanda ko ay - Happy Job Hunting!
PICTURE-PICTURE
so nagpicture-picture kami.
Sina cheche, at ang grupo nya..
(cheche & me)
sina Aica syempre. Si lele lang, ang tunay kong alyansa that time.
(lele, my alliance)
(Me & lele)
Nakita ko sina Lily at nagpicture kaming tatlo nina Jane -Na super hinhin, I like them. Ang nice nila sakin!
(Lily & me)
(Lily, me, & Jane)
Pinicturan ko rin si Lele at ang friend nya.
(lele & friend)
Nung ikeclaim ko na yung PNA card, nakita ko si Nolland at nagpa-pic ako sa kanya, syempre.
(Me & Nolland)
Nung lumapit naman ako sa stab andon pala si Jeff, sabi nya kay maam basco daw naming pwedeng maclaim yung card, so next week pa ata.
So lumabas na kami ni lele.
Andon pala sina Sir Tamayo at Maam Gladys (ng Merge) nagbibigay sila ng Flyers para sa Niners IELTS.
Sabi talaga ni Maam Gladys ng Makita ko “- ang mga anak ko..”
Di ko na maalala pero parang niyakap nya ko ng konti,hehe. I really like Maam Gladys, sobrang approachable nya.
Sobrang saya ko nun.
(me, Sir Tamayo & Maam Gladys)
…Nanginginig si Lele, kayatwice kaming pinicturan pero super Blur da din hmp! Hehe.
Nagpa-picture at nagpasalamat din ako sa kanila. Malaking tulong sila sakin- ang Merge Family ko.
Pagkatapos non nagpaalam na ko at cliname ang dalawa kong food…YES! Dalawang stab ang napunta sakin. Timawa ba?! Haha.
C2 bulilit lang pala, saka Club style na Sandwich. pagkatapos
lumabas na kami ni Lele. Pinicturan ko sila ng mama nya. Alam kong sonbrang happy ng mama nya para kay lele.
(Lele & her mom)
Nakita ko din si Jeff sa may labasan sabi kokay lele papictre kami kay Jeff. Sila muna kako pipicturan ko tapos kami ni Jeff.ok daw pero nahihiya ata sya kaya Kami daw muna ni Jeff bago ko sila picturan. Ok daw sabi ni lele
(Jeff & me)
Sabi ko sila naman na. e may camera rin pala si Jeff, kaya nagpicture ulit kami. Eh dumating si Nolland may dala ulit camera. Pinicturan ulit kaming tatlo na ni lele. Sa camera pa daw ni Jeff kasi tatlo na kami hahaha. Naawa naman na ko kay Lele, kaya sabi ko… sila namang tatlo, sa gitna sya kako nina Jeff at Nolland. Ayaw naman na niya. Haha..
Wala daw sa stab si Jeffat Gutom na daw sya,nakakagutom naman talaga kasi… kaya sabi ko, sa kanya na lang yung isang sandwich at C2 ko. Dalawa naman kako.
Nag-“Thank you” naman sya.
After non bumalik na kami sa mama ni lele at nagpaalam na ko sa kanila. Pupunta pa kasi akong Doctors para dalawin ang lola ko na naka-confine doon, at dyan nagtatapos ang oathtaking experience ko.
***P.S. Share ko lang ang mga Souvenir ang Booklet at Pin.
(The pin)
(The booklet)
(Pin & Booklet)
(The Ticket)
Mar 19th, 2011 11:31pm
Part 1
INTRODUCTION
Less than a month o one month pa (depende sa magiging takbo ng sitwasyon), I have to face the reality, Kailangan ko nang mag-duty ulit! Eto na magiging buhay ko or should I say eto na ang bubuhay sakin, sa amin ng pamilya ko at magiging pamilya ko… so dapat kong ma-asses ang sarili ko kung kaya ko ba talaga?! pero Naniniwala naman akong Kayang-kaya ko! *Positive* mode.
So I decided to do this entry na dedicated sa Duty experience ko bilang hamak na estudyante pa lang
To be honest ayoko ang nag-duduty, madalas toxic kasi! pero kailangan kong baguhin ang pag-iisip ko para gustuhin yun. I like duty; no I really-really love duty! *Excited* mode.
Noong estudyante pa ko, mas nae-enjoy ko ang mga lecture sa school kesa duty, ayoko kasi yung nahihirapan ako physically, kapag duty kasi parehas ka pang mahihirapanà nade-drain na utak mo, laspag pa Katawan mo!
Especially, Kung ang pinaka-ayaw ko pang hospital ang pag-dudutyhan ko, (Naman!)… sabi kasi nila (ayan para di ako mademanda, if ever haha.) Demonyo talaga mga tao don!
Well… MASUNGIT naman kasi Majority ng staff doon sa pinaka-HATE kong Hospital. (hindi naman kasi lahat, pero MAJORITY nga!)
[ mula sa pinakamababang utusan (na by the way tinalak-talakan ako ng mayabang na Nursing Aid, tang-ina nya! Ahahaha…) hanggang sa nuknukan ng pinaka-taas-taasan Dyos at Dyosa ng *secret* (walang clue!) na pinakaHate kong Hospital - bumubuga lahat ng Apoy!] *Bitter* mode.
Anyway tapos na ang Nightmare, hindi naman na ko papasok don para makipag-sanib pwersa sa kanila, may iba kong target!
Pero in all honest… Kung saan pa ako pinaka nahirapan na mag-duty, doon ako pinaka natuto! (Kailangan ko din naman bigyan ng credit ang PJ_) Kahit na madalas talaga akong magka-Post trauma disorder after ng duty ko sa kanila. hahaha *Nagpapasalamat* mode.
I HATE YOU DUTY BECAUSE…
#1 Nakakababa ka ng Self-Esteem kung minsan…
Pwede kang MaPAHIYA, MURAhin sa harap ng maraming tao, me- gumagawa daw talaga non, obviously meron talagang taong palamura (tang-ina!) hahaha.… Well… wala namang nakapag-mura saken ng duty days ko! FYI lang.
Normal lang ba sa Professional yung nagmumura?!
Alam ko kasi… kahit di nakapag-aral ang isang tao masama ang mag-mura,para sa akin okay lang kung expression mo lang ang makapag-mura paminsan-minsan, pero para gamitin mo yun sa ibang tao, intent na ma-degrade mo sila. Tsk tsk, you better think again before kang manlibak sa mga nakakababa sa iyo.
Sabi nga sa quotes na sinend sakin ng friend kong - si MJ (cookies namin ni Doriza). :
“Always keep your words soft and sweet, So incase you have to take it back, You can swallow it well”.
Advice lang huh! Act base on your achievements, Sana po despite na mayaman, matalino, o maganda pa ang isang tao… naka-apak pa rin ang paa nila sa lupa. –Huwag MAYABANG! *Galit-sa-Mayabang* mode.
Kaya bilib ako sa mga Staff nurse na malulumanay mag-salita at tumatawag ng Maam at Sir sa mga estudyante o pasyente ano man ang estado nito sa buhay. Marunong silang rumespeto kaya dapat din silang igalang. (wish ko na sana makapag-Abroad sila, at sa masusungit- NEVERMIND!) hahaha.
#2 Nagiging-Poker Face kami sayo…
Ang isa pa sa pinaka ayoko talaga ay kailangan mo ding maging plastic sa mga staff na yan, well kahit naman mga C.I. namin e… minsaninis din sa mga staff, pero kailangan pa rin naming MAKISAMA, kailangan mong paniwalain sila pati na ang sarili mo na despite MAHIRAP SILANG PAKISAMAHAN-ang mga lecheng masusungit na staff na yan, ipapakita mong gusto-gusto mo sila, (kapag naka-harap ka sa kanila).
“THANK YOU po Sir, THANK YOU po Maam” ambait-bait nyo po! (Ay! Ano ba yun? wala ng ganon… sinungaling ka na non, mag-ngiting Aso ka na lang sa kanila!)
Andyan pa yung magbibigay ka ng food kapag last duty, tradisyon na daw, leche! Sino bang nagpasimula ng punyetang tradisyon na yan?!
Mabigat na nga sa loob mo na magpapalamon kayo sa mga pinaka-kinakainisan mong nilalang sa duty, mabigat pa sa bulsa. Hello? estudyante pa lang po kami! (As if pwede kang magreklamo) well… that’s life! Sabi nga nila Karma is a Bitch! hahaha… J Buti na lang tapos na! pero sana talaga ITIGIL NA ang pagpapaLAMON sa Duty, hindi lang estudyante ang nahihirapan - pati mga magulang! *Nagma-MAGALING* mode.
THE SAGA
After ng C.H.N. …
Ang first duty place kong Hospital ay MVG, si Maam Pearl ang C.I. namin and sobrang smooth lang ng duty, di masyadong late kami pinauwi… Kwentuhan nga lang e. tatak na ata ni Maam Pearl yun –ANG SMOOTH NA DUTY!, akala nyo -ang Kwentuhan lang, huh! ASA! Hahaha.
2nd destination namin -Gapan almost month na din ata kami doon, dito ko natuto na mag-charting gamit ang subok nang -“copy-ang-naunang-entry” method. –its classic!
And the rest was History…
Sana lang, enough na yung lahat ng experience ko na nahirapan ako, napahiya ako, naloka sila sakin haha! Enough na sana yung Bad Duty days,
Sana masimulan ko ng maayos ang dapat kong simulan! …
Nang walang C.I., na hindi mo kailangan mag-tanga-tangahan sa mga pagkaka-mali mo, AYOKO NANG MA-TOXIC!!!
dahil this time – I will be the Captain of my own ship.
BILANG BAGONG NURSE
Sana buo at maayos ko itong masimulan, mapag-dadaaan at malampasan ng matagumpay sa dadating pang panahon.
May part 2 pa to, tungkol naman sa mga ungas kong groupmates.
Mar 12th, 2011 12:36am
because of my Astigmatism i need to use this punyetang glasses. 25 lang naman so most of the time, ayoko din suotin, sayang lang! haha :)
wala lang magawa so i share this walang kakwent-kwenta pohta.
Mar 6th, 2011 2:58am
It's When You Repeat the Last Song You Heard over and over Again
I list down the songs that I repeatedly sing on my mind:
Keith Urban - Put You In A Song
If I could press play, repeat how happy I'd be
Wherever I'd go I'd have you there with me
You'd be right where you belong
I wanna put you in a song, oh oh oh
Pink - Fuckin' Perfect
Pretty pretty please, don't you ever ever feel
Like you're less than f*ckin' perfect
Pretty pretty please, if you ever ever feel like you're nothing
You're f*ckin' perfect to me!
Third Eye Blind - Jumper
Wish you would step back from that ledge, my friend
You could cut ties with all the lies that you've been living in
And if you do not want to see me again
I would understand, I would understand
Justin Bieber Featuring Jaden Smith - Never Say Never
I will never say never! (I will fight)
I will fight till forever! (make it right)
Whenever you knock me down,
I will not stay on the ground.
Pick it up,
Pick it up,
Pick it up,
Pick it up, up, up,
And never say never.
Jessie J - Price Tag
t's not about the money, money, money
We don't need your money, money, money
We just wanna make the world dance,
Forget about the Price Tag.
Ain't about the (ha) Cha-Ching Cha-Ching.
Aint about the (yeah) Ba-Bling Ba-Bling
Wanna make the world dance,
Forget about the Price Tag.
Lady Gaga - Born This Way
I'm beautiful in my way
'Cause God makes no mistakes
I'm on the right track baby
I was born this way
~ikaw, naka-LSS ka ba?