Part 2
Sila ang mga taong kinainisan ko at napalapit na din sakin ng more than just -sakto lang, alam kong bawat isa sa amin may sariling flavor pero kahit gaano siguro kami ka-sweet, ka- salty, ka-sour, at ka-bitter sa bawat isa… alam ko na maganda ang naging blending namin…
hindi perfect ang texture ng mga ugali namin, hindi kami flawless sa pakikisama… marami ang naging magka-away pero somehow we consider ourselves as more than just a groupmates but – Friends.
Siguro nga ako kapag nakita ko ulit sila, gusto kong magkaroon kami ng madaming pictures bilang grupo…
kasi kahit di naming kailangan magsalita sa picture, kita naman sa mga smile namin na Masaya kami! (uhm sa tingin ko lang naman).
at kapag na post na yan sa FB at tinag na namin sa bawat isa, buo na ulit ang connection ng grupo afterall naging maganda pa rin naman ang pinag-samahan naming lahat.
BSN: Block 14 GRP. 3 (Batch 2010)
Ate Ana
Sya naman ang ever thoughtful ate in the whole group and siguro sakin mismo, mapachocolate,pasalubongs, gift kapag x-mas (she gave us keychain, panyo…!) etc. pinatuloy na rin nya kami sa awesome nyang bahay na parang condo. She’s a super! Sa ganda, sa bait, & sa galing pang magpatawa… iba ang mga hirit ni Ate Ana. At caring din sya… I remember pinatulog nya ko sa room nila nung ortho nung lasing na mga tao sa baba. Spoiled ang grupo kay ate, nang nasa Gapan naman kami pinagtanggol din ako ni Ate Ana sa comment ni ate Karen baka daw ako magsusulsol sa mga taong wala nung time na yun sa canteen nina maam Gomez while we are talking behind their back, sabi nga ni Ate Ana, wala akong kinakampihan- Neutral lang daw ako! at isa din ang tx nya sa nagpagaan sa loob ko nung July…
ATE ANA: Ayain mo dn c yayin at para d n mgabsent. Bsta I belive in ur capabilities hoe mpasyalan ko kyo ds dec pguwi ko.
June
Sungit! – yan talaga ang word ko para I describe si Junelyn, gaya ni Carmi at Nolland, kaklase ko sya mula pa sa Day 1 ng college life ko. Masaya ko at andyan si junelyn para iguide ako sa Nursing Career, sabi naman nya yon at talagang bless din sya dahil bihira sa mga fresh Grad ang may sweldo na, proud ako sayo frend! Sobrang nakakatawa mga jokes nya sa txt! Sinesave ko lahat yun, June! At sumunod sya sa Bestfriend kong pinaka-unang bumati sakin! Thank you sa text mo sakin noong February 19!!! Ramdam kita *MarRoxas* mode
JUNELYN: John paul soriano perez RN kn., Masaya q pRa sau. ,miz u jp. ,
Ryan
Sya ang pinaka-kasundo ko sa lahat ng Boys sa grupo, magaling kasing maki-sama si Ryan, nakasama ko ulit sya sa training sa Red Cross, doon ko napatunayan iba talaga talino ni Ryan. Ang bilis ng pick-up sa demonstration… nahihirapan talaga ko sa bandaging pero sya easy-easy lang dahil don instant tutor naming sya! Markado din sakin yung tx nya nung bumagsak ako nung July sabi nya..
RYAN: Bawi k jp..hntayn ko pangalan m..
It means a lot, tnx ryan J
Chris
hindi namin sya original na ka-grupo from group 2 na-move sya samin, actually at first nung bagong shuffle ang block 14 noon,Sa kanya ko pinaka-Natatakot … those glasses, offending jokes, basta ang angas ni Chris!, mas nakakatakot sya kesa kapag lasing si Gio… kasi si Gio alam mong lasing, e si Chris kahit matino hindi mo alam kung paano ka papaki-samahan. Kapag ayaw nya talaga sayo, ayaw nya… kaya naging at ease nako noong mas nakikita kong hindi naman pala sya ganoon kahirap pakisamahan noong nakaduty ko na sya. Masaya ko kapag binabati nya kami, okay si Chris akala mo lang suplado sa umpisa… offending lang talaga mga jokes nya! Hahaha, pero hindi na sya nakakatakot. J
Rochelle
Isa sya sa magaan kong naka-trabaho sa duty, makwento kaya masayang makinig na lang sa kanya… madalas syang maging-Tachy, at kapag may na-received kang chain message sa tx (para sa mga nag-boardexam ) ay na ko sya na nga! Naging –highlight ko kay Rochelle noong sinundo nya ko sa bahay namin para sabay kaming pumunta ng Gapan District Hospital pati mga friends ko pinasakay nya sa Van nila, for free.
Ate Rose
Thankful ako kay ate Rose dahil utang namin ni Myshel ang i.d. ng Gapuz sa kanya, alam mo na yun ate Rose J nakapasok na din ako sa 2 sa naging bahay ni Ate Rose sa Cabanatuan, parehas maayos sa gamit napansin ko din na marami syang frame at post sa wall nya sa kwarto about sa drive nya sa buhay… like eat more vegetables etc. ek ek, bilib talaga ko sa pagiging mautak ni Ate Rose.-ang Tsang ng Tres Kepyas
Yayin
Sya ang Sweetest sa lahat ng ka-grupo ko, parang slow motion yang gumalaw, after all hindi sya tatawagin –Ang Babaeng di Natotoxic! Madalas syang pagkatuwaan ng tres Kepyas dahil ulit sya –Ang Babaeng di Natotoxic! Tandaan nyo yan!!!
Magaling syang tumugtog ng piano, at isa sa achievement nya ay Sya rin ang nakagawa ng pinaka-maangas na Nursing Care Plan with supervision of Sir AdieĆ Ang POWERLESS HIPS!!! (korek! Me sariling buhay ang hips!) : )
Nolland
From 1st yr. to 4th yr. level kaklase ko tong si Nolland, kilala sya sa maganda nyang boses at Sabi NILA O.A. daw, pero ako, madalas talagang natatawa sa mga jokes nya, ewan ko ba?! Sya ang #1 enemy ata ni Junelyn. Medyo suplado nga lang si Nolland the last time nagkita kami sa Inasal kasama syota nya, dinedma ko?! Si Ryan pinansin nya! WTF?! -It’s your lost! Hahaha. Isa sya sa mga co-Dancers ko nung CHN days, yung sa kanta ni Vhong Navarro, di ko lang maalala... Signature na nang Block 17 yun J
Ate Karen
Nakabangga ko si Ate Karen noong nasa Heart of Jesus pa lang kami, dahil lang sa copy ng report ata, kakampi ko nun si Carmi, well matagal na rin yun, & despite sa nangyari wala na lang sakin yun. Sana erase na din kay ate yun. Anyway para sakin isa si Ate Karen sa madaling pakisamahan, wala kasi syang ere at masarap kausap… parehas din kami nyan ng interes like watching wipe out o American idol basta masarap kausap ang taong matalino. Utang naming sa kanya ang removal ng Preboard! Kung may Heroes Vs Villains ang grupo definitely she a Pro!
Lea
Additional lang si Lea sa Blk 17, nang shinuffle na kami para maging block 14, nakasama ko pa rin sya. Sya ag Survivor alliance ko. Siguro yun ang isa sa madami namin na commonalities ni Lea, palagi akong tawa ng tawa sa mga jokes nya, pati walang kakwenta-kwentang panaginip nya kwinekwento nya sakin na kesyo nanaginip daw sya na plano syang Rape-in ng Tricycle driver! Haha. At bukod kay Aica at Ryan nakasama ko ulit sya sa Red Cross, it always fun working with her. May comic relief ako palagi! Isa sya sa pinaka-close ko sa Grupo ; )
Arriane
After Perez, Querijero na ang sunod kaya palagi ko tong ka-grupo. Mabait si Quire (na si Maam Anika ang nagTag sa kanya), ang sarap pa nyang asarin! Gustong-gusto ko kapag niloloko sya ni ate Ana, at talagang sinusubukan nyang pakisamahan ang lahat! Never ko tong naka-away! Sya rin ang madalas kong kasama nung review ng Gapuz sa Mega at sila rin ni Racquel ang kasama kong nagpapictorial para sa Graduation! She deserves what she got! Sa Ngayon isa si Arriane sa mga ka-grupo ko na active pinapagpapatuloy ang nursing career!
Carmi
pa-SEXY!- ang impression ng marami kay Carmi, tawa ko ng tawa kapag pumopose na yan! Haha.. pwet lagi ang asset nyan. I remember magkasunod kaming naglalakad sa labas ng WUP nauuna sya sakin ng bagyan… ng biglang may 2 Tricycle driver na tumuturo sa pwet ng babae, nung paglingon sakin -si Carmi nga pala! hahaha. nakita ko ang pagiging nice ni carmi noong nag-stay ako sa Apartment nila nina Junelyn, nanlibre sya sa amin ng coke, kasi bisita daw ako! Ang warm ng pagtanggap nila sakin : ) P.S. isa sya sa nag-Congrats sakin sa FB!
*with regards din kina Karen Respicio-Mangibin at Clarrise na nakasama din po namin : )
-i miss you all :)
No comments:
Post a Comment